PAGSUSULONG NG KARUNUNGAN
Sa isang mundo na puno ng impormasyon at kaalaman, mahalaga para sa mga estudyante upang mas maunawaan ang mga paksa sa kanilang pinag-aaralan. ang pagkakaroon ng magndang marka sa paaralan ay hindi lamang nagmumula sa talento kundi sa tamang diskarte at pamamaraan ng pag-aaral. Ayon sa aking pananaliksik, mula kay David 2008, isang hakbang na maaari nating gawin ay ang pagbuo ng isang sistematikong iskedyul ng pag-aaral. ang pagkakaroon ng tiyak na oras para sa bawat asignatura ay makatutulong upang mapanatili ang disiplina at konsentrasyon. Sa pamamagitan nito, maaaring mas mapadali ang pag-aaral ng mga paksa dahil nakatuon ang isip at oras sa isang bagay. Makatutulong din ang paglikha ng isang tahimik at komportableng kapaligiran para sa pag-aaral. Ang mga distraksiyon gaya ng cellphone o ingay mula sa labas ay maaaring makasira sa ating konsentrayon. Bilang isang mag-aaral na may pangarap sa buhay, napakahalaga ang araw-araw na pakikinig sa mga disk...