Wika sa Pang Edukasyon
Ang kahalagahan ng wikang filipino sa edukasyon ay kasing halaga ng iba pang ginagamit nating wika sa paaralan..
Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika, kaya kinakailangang maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito ng maayos.
Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum sa edukasyon. Dahil sa pagbabago ng panahon ay malaki ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon.